Abante Tonite Interactive

DOH Usec nilinaw sino prayoridad sa COVID-19 testing

602

Ipinaliwanag ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na hindi kinakailangang isalalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing lahat ng tao na nakasalamuha ng isang indibidwal na infected ng virus na ito.

“Kahit po tayo ay direct contact pero hindi naman po tayo, o wala naman po tayong mga severe na sintomas, hindi naman po tayo kasama sa vulnerable situation katulad ng mga nakakatanda at may underlying condition and high-risk pregnant women, hindi muna po kailangan mag-test po,” paglilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam sa radyo.

Payo ni Vergeire, mag-monitor at mag-self quarantine muna ang isang tao na nakasalumuha ng COVID-19 infected person.

Batay sa guideline na inilabas ng DOH, ang isang tao na nakasalamuha ng COVID-19 patient ay itinuturing na person under monitoring (PUM) kung wala pang nakikita sa kanya na mga sintomas ng pagkakaroon ng virus.

Pinapayuhan ang mga PUM na sumailalim sa 14 araw na self-quarantine para ma-monitor ang kanilang kondisyon.