Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Vaccine sa tigdas, polio ligtas

0 72

Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ligtas at epektibo ang bakunang ginagamit sa immunization program ng gobyerno laban sa tigdas at polio.

Nabatid kay Elaine Villarosa, DOH Eastern Visayas national immunization program manager, nirekomenda ito ng World Health Organization (WHO) at ng Food and Drug Administration (FDA) at nasa 40 taon nang ginagamit sa immunization program.

Napag-alaman na magsisimula sa Pebrero 1 ang isang buwan na immunization program na sasakop sa mahigit 535,000 bata kaya naman umapela ang DOH sa mga barangay na suportahan ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.