Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Wala pang bagong COVID sa `Pinas

0 67

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakakapasok sa Pilipinas ang bagong COVID-19 na unang natuklasan sa United Kingdom.

Base umano ito sa naging pahayag ng Philippine Genome Center kung saan simula sa Lunes, lahat ng RT-PCR positive specimen mula sa mga bansa na kumpirmadong may COVID-19 variant na katulad sa UK ay isasailalim sa genome sequencing.

SM food to go Banner Ad

Tiniyak naman ng DOH na patuloy silang may koordinasyon sa iba pang ahensiya para sa istriktong hakbang na ipinatutupad sa lahat ng port of entry sa bansa.

Samantala, muling hinikayat ng DOH ang publiko na sundin ang mga minimum health standard na kinikilalang epektibong protocol para mapigilan ang pagkalat ng COVID at pagkahawa sa sakit na dulot ng coronavirus. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.