Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOH: Walk-in sa mga vaccine center `wag itaboy

0 175

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga local government unit (LGU) na tanggapin ang mga indibiduwal na nag-walk in lamang para magpaturok sa panahon ng tatlong araw na nationwide vaccination campaign laban sa COVID-19 na nagsimula kahapon at matatapos sa Disyembre 1.

Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, pinuno ng National Vaccination Operations Center (NVOC), sa kabila na maayos ang registration, inirekomenda pa rin nila sa mga lokal na pamahalaan na tumanggap ng mga walk-in, lalo na ang mga senior citizen at nasa vulnerable sector na madaling dapuan coronavirus.

Ayon kay Cabotaje, bukas ang mga vaccination site para sa mga nais magpaturok ng una at pangalawang dose ng COVID bakuna.

Maaari rin aniyang magpa-booster shot ang mga senior citizen at mga indibiduwal na immunocompromised sa tatlong araw na nationwide vaccination campaign.

Dapat lamang aniyang ayusin ng mga lokal na pamahalaan ang pila para sa mga magpapabakuna upang matiyak na maipatutupad ng maayos ang physical distancing. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.