Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ: 154 pulis makakasuhan sa drug war

0 52

Mayroong mga tauhan ng pulisya na posibleng maharap umano sa kasong criminal kaugnay ng giyera kontra droga na inilunsad ng pamahalaan, ayon sa Department of Justice (DOJ).

“Based on the facts gathered by the PNP (Philippine National Police) Internal Affairs Service, the police officers involved in these cases were not only administratively liable, the existing evidence pointed to their possible criminal liability as well,” pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Tinukoy ni Guevarra ang 52 kaso na nasa PNP files na bahagi ng isinasagawang pagrepaso ng DOH sa mga kasong may kinalaman sa giyera kontra droga.

Ang unang report hinggil sa ginawang pag-iimbestiga ng DOJ ay natapos noong Disyembre, 2020.

Nasa 154 pulis umano ang sangkot sa mga kaso.

Ayon kay Guevarra, ieendorso ito sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa case build up at pagsasampa ng kasong kriminal kapag napatunayan na may ebidensiya laban sa mga sangkot na pulis.

“The NBI and the PNP agreed to coordinate with each other in this endeavor,” ayon kay Guevarra.

Nakatakda umano silang magpulong sa Oktubre 5. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.