Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ handang imbestigahan sabotahe sa module

0 123

Nakahanda ang Department of Justice (DOJ) na tumugon sa kahilingan ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa isyu ng mga sablay umanong module nito ngayong distance learning dahil sa COVID-19 pandemya.

Subalit sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na wala pa silang natatanggap na kahilingan mula sa DepEd.

“We will be ready to help if there is evidence tending to show the false and malicious character of these allegations about the agency’s learning modules,” ayon kay Guevarra.

SM food to go Banner Ad

Posible rin umanong pakilusin niya ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga module na sinasabing sablay o palpak ang nilalaman.

“For example, if the false claim about a module is directly attributed to a certain person with no manifest intent but to ridicule or malign him or her, the latter may have cause to file a complaint for libel or cyber libel, as the case may be,” ani Guevarra.

Una nang inihayag ng DepEd na posibleng hilingin nila ang tulong ng DOJ para maimbestigahan itong mga sinasabing sablay na module na hindi naman lahat ay pinagawa ng kagawaran. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.