Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ kakalkalin 61 drug case ng mga pulis

0 211

Magtutulungan ang Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police para imbestigahan ang nasa 61 kaso ng mga pulis na sangkot diumano sa mga paglabag sa batas habang nagsasagawa ng anti-illegal drugs operation.

Napagkasunduan ito nina Justice Secretary Menardo Guevarra at PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa kanilang pag-uusap nitong Biyernes sa tanggapan ng DOJ.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Guevarra, pumayag ang PNP na mabuksan ng DOJ ang mga rekord ng 61 kasong kinasasangkutan ng daan-daang mga tauhan ng PNP na nakitaan ng administrative o criminal liability ng Internal Affairs Service (IAS).

Dagdag pa ng kalihim nagpahayag ng kahandaan si Eleazar na makipagtulungan sa DOJ para masibak o madisiplina ang mga pulis na pasaway sa kanilang hanay upang maibalik ang tiwala ng mga tao sa PNP. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.