Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ kinasa prosecutor panel sa ‘tapioca’ case

0 66

Nagtalaga ang Department of Justice (DOJ) ng panel ng prosecutor na hahawak sa kasong kriminal kaugnay sa 2019 shipment ng may P1.8 bilyon halaga ng shabu na kinubli bilang tapioca starch.

Kinilala ang mga ito na si Senior Assistant State Prosecutor Rassendell Rex Gingoyon, kasama sina Assistant State Prosecutors Mary Jane Sytat at Ethel Rea Suril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Una nang inirekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng kasong graft at kriminal laban sa ilang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Custom (BOC).

Kasama dito si dating PDEA chief Aaron Aquino, broker na si Jane Abello Castillo, at iba pang indibidwal na sangkot sa importasyon ng 60 bag ng tapioca starch na may 171 kilo ng shabu sa loob ng 30 aluminum pallet sa Manila International Container Port noong Enero 27, 2019.

Ang nabanggit na kaso ay kaugnay sa binulgar ni Senador Ping Lacson na kinondena ang desisyon ng BOC na ipa-auction ang shipment ng tapioca na naka-consign sa Goroyam Trading. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.