Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ: PhilHealth-Red Cross deal walang sablay

0 126

Matibay ang memorandum of agreement sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Red Cross (PRC) kaugnay sa COVID-19 swab testing, ayon sa Department of Justice (DOJ).

“It is this Department’s opinion that except on the matter of the Advance Cash Payment of One hundred million pesos (P1,000,000.00) which we will also discuss below, the MOA between PHICH and PRC does not suffer from any legal infirmities that will render it invalid,” sagot ni Justice Secretary Menard Guevarra sa PhilHealth.

Nakakuha ng kopya ang Politiko hinggil sa opinyon ng DOJ sa kasunduan ng PhilHealth at PRC.

Ito’y kasunod ng pagkontra ng mga abogado ng state insurer kung saan kinuwestiyon ang ligalidad ng kasunduan sa PRC kung kaya’t pinasuspinde ni PhilHealth president Dante Gierran ang pagbabayad sa natitirang utang sa PRC.

Sinabi dati ni PhilHealth legal counsel Alfredo Pineda na ang MOA na nilagdaan ni dating PhilHealth chief Ricardo Morales sa PRC ay walang ligal na basehan at aniya’y may preferential treatment ito sa naturang organisasyon.

Humingi ng opinyon si Gierran sa DOJ hinggil sa ligalidad ng naturang kasunduan kung dapat bang isailalim ito sa Government Procurement Act at iba pang batas para malaman kung obligado ba ang PhilHealth na mabayaran agad ang mga pagkakautang sa PRC.

Hindi naman nagbigay ng opinyon ang DOJ kung dapat mabayaran agad ng PhilHealth ang PRC dahil sa kakulangan ng impormasyon para makabuo ng rekomendasyon, ngunit sinabi ng ahensya na ang P100 milyong advance payment ng PhilHealth sa PRC ay ligal. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.