Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ: Puwede kasuhan mga sangkot sa profiling

0 262

Paglabag sa data privacy law ang profiling na hindi alam ng isang tao.

Ito ang reaksyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kasunod ng mga napaulat na profiling sa mga community pantry organizer.

“Possibly the data privacy law, depending on the kind of personal data obtained without the consent of the person concerned, and the purpose for which the data was obtained,” ayon kay Guevarra nang tanungin kung may nilalabag bang batas ang profiling.

Aniya, maaaring maghain ng reklamo sa kaukulang tanggapan ng gobyerno ang sinomang tao na malalabag ang privacy.

Sabi ni Guevarra, kapag criminal complaint ang ihahain ay puwede ito sa piskalya at sa korte naman kung civil complaint. Kapag administrative complaint naman aniya, puwedeng idulog ito sa Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG) o sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa ng kalihim, ang hindi awtorisadong pagproseso ng personal na impormasyon ay mayroong kaparusahan na pagkabilanggo ng hanggang tatlong taon at multang P500,000 hanggang P2 milyon sa ilalim ng Republic Act No. 10173 o Data Privacy Law.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.