Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ: Taga-Ombudsman ikalat sa mga gov’t agency

0 30

Pinag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang pagtatalaga sa mga ahensya ng gobyerno ng mga senior investigating officer mula sa Office of the Ombudsman para makatulong sa pag-iimbestiga sa mga pasaway na opisyal.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Sabado na maaaring gawin ang ganitong “organizational and institutional arrangements” para maging maayos at sistematiko ang pagsasagawa ng imbestigasyon at paglilitis sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon.

Kinumpirma rin ng kalihim na sa loob ng nakalipas na dalawang linggo ay nasa 60 reklamo na ang natanggap nila hinggil sa mga umano’y korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno katulad sa Department of Public Works and Highways, Bureau of Customs, Department of Transportation, Department of Health, at Philippine Health Insurance Corporation.

Leave A Reply

Your email address will not be published.