Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ tututok sa inambus na abogado

0 113

Hinihintay pa ni Jus­tice Secretary Menardo Guevarra ang inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Po­lice (PNP) kaugnay sa ginawang pagpatay sa isang abogado sa South Cotabato.

“As part of standard procedure, the DOJ (De­partment of Justice) will await the report of lo­cal police investigators and evaluate whether the killing falls under the jurisdiction of the Inter-Agency Committee on EJKs (extrajudicial killings),” ani Guevarra.

Una nang binaril ng tatlong suspek si Atty. Juan Macababbad sa harap ng kanyang bahay sa Surallah, South Cota­bato nitong Miyerkoles kung saan idineklara siyang dead on arrival sa pagamutan.

SM food to go Banner Ad

Si Macababbad, 68, ay una nang tumakbo bilang vice mayor sa kanilang lugar at naka­katanggap na ng pagba­banta sa kanyang buhay bago naganap ang pananambang.

Nabatid na inatasan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang Police Regional Office 12 (Soccsksargen) na mag­sagawa ng imbestigasyon sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.