Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOJ walang kontrol sa BuCor – Guevarra

0 246

Ipinahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Huwebes na nasa pagpapasya ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag kung magbabakasyon muna o hindi.

Ito’y matapos maharap sa panibagong kontrobersya ang BuCor dahil sa pagkamatay ng mga high-profile na bilanggo sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Guevarra, batay sa BuCor Law, superbisyon lang ang puwedeng gawin ng DOJ sa ahensya at walang kontrol ang kagawaran sa bureau, dahil direktang itinalaga ng Pangulo ang BuCor chief.

Una nang nag-usap sina Guevarra at Bantag matapos ang kontrobersiya sa pagkamatay ng mga bilanggo sa NBP kung saan hiniling ng kalihim sa BuCor chief na ipabatid sa mga pamilya ng mga nasawi bago isailalim ang mga ito sa cremation. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.