Abante Tonite Interactive

DOK QUACK SA MATA, HULI!

By
14
Natuldukan na ang mahabang panahon na pagpapanggap at panloloko ng isang lolo bilang optometrist o doktor sa mata sa lungsod ng Quezon.
Ang suspek na si Amando Duyo, 68, ay naaresto sa ikinasang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa klinika nito sa Quezon City.
Dinakip ang ‘quack doctor’ habang nagsasagawa ito ng procedure sa pulis na nagpanggap na pasyente.
Lumabas sa imbestigayon ng QCPD na ang misis nito na yumao na noong 2012 ang tunay na optometrist at si lolo ay isang optical technician lamang.
Narami na rin umano ang reklamo laban sa pekeng optometrist.
Kinumpiska sa clinic ni Duyo ang mga gamit sa panggagamot tulad ng auto refractometer, corrective lenses at mga examination lenses.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong unauthorized practice of optometry.