Abante Tonite Interactive

Doktor, 1 pa nanonood ng Koreanovela sa emergency room

By
303

Inireklamo ang dala­wang empleyado kabilang ang isang babaeng doktor ng James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) ng mga pamil­ya ng isang pasyenteng na-stroke dahil sa hindi umano magandang trato sa huli at sa panonood ng Koreanovela habang naka-duty.

Sa panayam ng Abante TONITE kay Allan Macatuno, station manager ng isang radio station sa Olongapo, inabot na umano ng 5-oras ang kanilang paghihintay sa emergency room matapos isugod ang amang pasyente na inatake ng mild stroke.

Nang kanyang kausapin umano ang isang doktorang babae ay pinagtaasan pa umano siya ng tono ng boses at sinabing hindi sila tumatanggap ng pasyente nang hindi itinatawag sa kanilang ospital.

Inireklamo rin ni Macatuno ang panonood ng Koreanovela sa admitting section ng isang babaeng empleyado nang kanyang alamin kung meron pang mga bakanteng kuwarto para sa kanyang ama.

Nakarating naman kaagad sa kaalaman ni Hospital Administrator Dr. Jewel Manuel ang pangyayari at nangako na kanyang aaksyunan ang naturang reklamo at wala umanong puwang sa kanilang pagamutan ang mga empleyado na hindi committed sa kanilang sinumpaang tungkulin.

“Nagpapasalamat ako kay Mayor Rolen Paulino dahil binigyan niya ako ng free hand para alisin sa ospital na ito ang mga hindi committed sa tungkulin kahit sino pa ang kanilang padrino,” ayon pa kay Manuel sa isang panayam.