Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktor binigyan ng gamot sa hayop mga COVID patient

0 277

Inamin ng isang doktor na binigyan nito ng hindi rehistradong Ivermectin ang kanyang mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Sa pagdinig ng House committee on health, sinabi ni Dr. Allan Landrito na gumawa ito ng 25,000 bote ng Ivermectin at ipinamigay sa kanyang mga pasyente na aabot sa 8,000 ang bilang.

“I was able to give more than 25,000 bottles, so divided by maybe 2 or 3, maybe 3, for a patient, 8,000 patients is [a] very conservative number,” ani Landrito. “I compounded it myself. I had bought pure Ivermectin from an importer and compounded it myself and gave it to my patients.”

Ang Ivermectin ay hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA) bilang gamot na para sa tao pero pinapayagan itong gamitin ng mga beterenaryo sa hayop.

Sa pagtatanong ng chairman ng komite na si Quezon Rep. Angelina Tan, inamin ni Landrito na wala siyang permit para gumawa ng gamot pero iginiit niya na maaari ito sa ilalim ng “compassionate drug use”.

“I went into the definition of compassionate drug use it states there using a medicine before even getting an FDA permit. It is badly needed by the people, we are in the middle of the pandemic I cannot scope of time to apply of any of those permit, my patients are begging me to treat them, I’m just giving treatment to patients prophylaxis early treatment,” paliwanag ni Landrito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipinunto naman ni Tan na mayroong mga batas na kailangang sundin.

Sagot ni Landrito: “Yes that’s true, it has something to do with the safety of my patients, I haven’t harmed any of my patients and I have been helping a lot of my patients. If they want to put me behind bars for this, it doesn’t matter.”

Sa kaparehong pagdinig, inulit ni FDA Director General Eric Domingo na walang nakarehistrong Ivermectin para gamitin sa mga COVID-19 patient.

Hinikayat ni Domingo ang mga nais na mag-angkat o gumawa nito na magparehistro sa FDA.

Tiniyak naman nito na agad aasikasuhin ng FDA ang mga aplikasyon. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.