Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktor binoga sa haybol

0 85

Target ngayon ng Pilar-Abra-PNP ang pumatay sa isang doktora na pinasok sa loob ng bahay at pinagbabaril sa hindi pa malamang dahilan ng mga hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa sa bayan ng Pilar, Abra.

Kinilala ng Pilar Police ang biktima na si Dr. Amor Trina Dait, residente ng Barangay Poblacion at nagtatrabaho sa La Paz District Hospital sa Abra.

Nabatid na namatay ang biktima bago dumating sa Abra Provincial Hospital. Nagtamo ito ng bala ng baril sa kaliwang paa na agad nitong ikinamatay matapos na mabaril ng hindi pa kilalang salarin bandang 7:30 Sabado ng gabi sa bahay ng biktima.

Agad nagresponde ang Pilar Police sa bahay ng biktima na halos 600 metro lang ang layo sa pulisya.

Nakita sa crime scene ang basyo ng limang M16 rifle na ikinasawi ng biktimang doctor.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang motibo sa pagpatay sa doctor at kung sino ang nasa likod nito.

Isa sa tinitingnan motibo ay politika. Naging kandidato sa pagka-alkalde ng Pilar noong 2019 elections ang doktor na kung saan pinatay rin ang kanyang campaign leader.

Kinondena naman ni Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos ang insidente.

Ang pagpaslang umano kay Dait ay nagpapakita lamang na hindi pa tapos ang kanilang trabaho na pangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa probinsya. (Vick Aquino/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.