Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktor, maid namatay sa sunog

0 392

PATAY ang senior citizen na doktor at ang kanyang senior din na kasambahay nang masunog ang kanilang bahay sa Cebu City, bago maghatinggabi ng Linggo.

Ayon sa report, nangyari ang insidente alas-11:30 ng gabi sa J. Alcantara St., sa Barangay Sambag 1.

Sinabi ni Fire Officer 2 Fulbert Navarro, nasa ikalawang palapag ang dalawa at na-trap sa loob ng bahay.

Doon na sila nakita ng mga bumbero.

Nabatid na may takip pa na unan sa mukha ang dalawa nang datnan bilang proteksyon nila sa usok.

Isinugod ang dalawa sa ospital pero di na naisalba pa ng buhay.

Kwento ng nakakita na si Norman Castañeda, narinig pa raw nilang humihingi ng tulong ang dalawang biktima. Tinangka nilang pasukin ang bahay pero hindi mabuksan ang gate dahil nakakandado.

Malaki na rin daw ang apoy sa mga sandaling iyon.

Itinaas ng Cebu City Fire Office ang unang alarma alas-11:36 ng gabi, at ang pangalawang alarma pasado 11:38 ng gabi. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.