Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktor na pinaslang sa haybol, kakalkalin

0 49

Pinabubuo ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang isang special task force na siyang sisiyasat sa nangyaring pagpatay sa isang doktor na tumakbo noong 2019 elections sa pagka-alkalde sa bayan ng Pilar, Abra.

Ayon kay Eleazar, dapat ay agad malaman kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Dr. Amor Trina Dait. Nangako siyang bibigyang hustisya ang pagkamatay ng huli.

“I have issued an order to the regional director of the Police Regional Office-CAR (Cordillera Administrative Region) to form a special investigation task group to expedite the investigation in this case.”

SM food to go Banner Ad

Si Dait, isang resident doctor sa La Paz District Hospital, ay binaril sa kanyang tahanan sa Brgy. Poblacion nitong nagdaang Sabado.

“Tinitiyak ko sa inyo na personal kong tutukan ang kasong ito,” ayon sa hepe. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.