Abante Tonite Interactive

Doktor sa Cebu pumanaw, diskriminasyon kinondena

794

Nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon Marso 31 subalit kalungkutan ang nararamdaman ng anak na lalaki ng mag-asawang doctor sa Cebu matapos na mamatay dahil sa coronavirus o COVID-19.

Ang Oncologist na si Dr. Dennis Roman Tudtud ng Talamban, Cebu City ay pumanaw Martes, Marso 31, sa mismong kaarawan ng kanyang anak at apat na araw ang nakalipas matapos na unang binawian ng buhay ang kanyang asawa na pathologist na si Helen Tudtud dahil din sa coronavirus disease (Covid-19).

Kinumpirma ito ng anak na si Dennis Thomas Tudtud sa kanyang Facebook post Tuesday habang nagpahayag na siya at ang kapatid na si Debbie ay “in deep sorrow that God had to take both of them.”

“Today is my birthday. It pains me that both my parents are no longer here. I cannot bring them back to life but I can celebrate their lives,” sabi nito. .

Ang ina nito na 66-anyos na si Dr. Helen, 66 ay namatay sa Covid-19 noong Biyernes ng gabi, Marso 27, o 11 araw matapos itong ipasok sa Perpetual Succor Hospital.

“Our Daddy Dennis has joined Mommy Helen. My sister and I are in deep sorrow that God had to take both of them but I take comfort that they are happy together in their journey to paradise,” sabi pa ni Dennis Thomas.

“My father was a selfless man, as he has always put others before himself. As a doctor, he would even pay for the chemotherapy sessions of some of his patients just so their families could spend more years with them. He was generous beyond words could even describe,” sabi nito.

Kinondena naman ng Cebu at mismong hospital na pinagtatrabahuhan ng dalawang doctor ang diskriminasyon na nalasap ng pamilya. ( Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad