Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktor sa Maynila pumanaw sa virus

0 294

Kinumpirma ni Mayor Isko Moreno ang pagkamatay sa COVID-19 ng isang doktor mula sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Moreno, si Dr. Reino `Nong’ Palacpac, isang pediatrician, ay naging frontliner nang magsimula pa lamang ang pandemya.

Kasabay nito, nag-alok ang alkalde ng tulong sa naulilang pamilya ng nasawing doktor sa pamamagitan ng utos nito na mabilisang ilabas ang P1 milyon mla sa Bagong Bayani Endowment Benefit Fund of 2020.

Nabatid na ang nasabing benepisyo ay batay sa Ordinance No. 8639, na nagkakaloob din sa mga anak ng naulila ng nasawing health worker ng scholarship alinman sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o Universidad de Manila. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.