Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktor swak sa murder ng ex-justice

0 47

Nakitaan ng probable cause ng mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) para sampahan ng kaso si Dr. Ramon Tayag Pangan, kaugnay sa pagkamatay ni dating Court of Appeals (CA) Justice Normandie Pizarro na pinaslang mahigit isang taon na ang nakalipas.

Sa pahayag na inilabas ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar kagabi, sinabi nito na mayroong sapat na ebidensiya para kasuhan si Pangan sa kasong murder kay Pizarro.

“The prosecution found the evidence sufficient to support a finding of probable cause that Dr. Pangan committed the crime of murder against the person of retired Justice Pizarro,” sabi ni Villar.

Ayon kay Villar, inihain na ang impormasyon sa Capas, Tarlac Regional Trial Court at naghihintay na lamang ang DOJ na maglabas ng arrest warrant laban kay Pangan.

Inirekomenda rin ng mga prosecutor na magsagawa ng isa pang imbestigasyon laban sa iba pang persons of interest na sangkot umano sa pagpatay sa retiradong hukom.

“In the case as to their identities and their possible participation in the murder of Pizarro, if warranted to file a complaint for preliminary investigation before the Department,” pahayag pa ni Villar.

Sa pagsisiyasat na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) ay natukoy diumano si Pangan na siyang utak ng pagdukot at pagpatay kay Pizarro.

Natagpuan ang bangkay ni Pizarro sa Sitio Palublub, Brgy. Lawy, Capas, Tarlac noong Oktubre 30, 2020. Mayroong itong tama ng bala sa kanyang ulo at nawawala ang ilang parte ng katawan nito. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.