Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doktora nirapido sa kotse, buhay

0 782

HIMALANG nakaligtas sa kamatayan ang isang 26-anyos na dentista matapos siyang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Barangay Bonuan , San Jacinto, Pangasinan, Linggo ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Dr. Christine Joy dela Peña, ng nasabing bayan.

Ayon sa San Jacinto Police Station (SJPS), nangyari ang insidente alas-3:02 ng hapon sa kalsada ng Barangay Bonuan.

Sa inisyal na report, ayon sa SJPS, nakasakay umano ang biktima sa kanyang Hyundai Accent na kotse kasama ang dalawang pa nang biglang tumapat ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagkatapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga suspek.

Agad namang isinugod sa Region 1 Medical Center si Dela Peña dahil sa tama ng bala sa balikat.

Sa ngayon, patuloy ang follow-up investigation ng SJPS hinggil sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.