Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dokumento at resulta ng COVID-19 tests pineke; 2 sa Antipolo inaresto

0 134

INARESTO ng Antipolo police ang dalawang miyembro ng Rizal Provincial Security Division kaugnay sa pamemeke umano ng mga dokumento at resulta ng COVID-19 tests.

Bago ito, ay may nagbigay ng tip sa tanggapan ni Rizal Governor Nini Ynares, kaugnay sa ginagawa ng dalawang suspek na kinilalang sina Arnel Perocho, residente ng Barangay Muzon, Taytay, Rizal; at si Edgardo Juanillo, residente ng Brgy. Pinugay, Baras.

Agad nakipagkoordina sa pulis ang Rizal Provincial Government at nitong Oktubre 1 ay nagkasa ng entrapment operation ang pulis sa pangunguna ni Lt. Col Jose Joey Arandia.

Matapos mag-abot ng pera sa dalawang suspek sa kanilang napagkasunduang lugar sa Barangay Dela Paz, Antipolo City ay inaresto na sila ng pulis.

Nakuha sa mga suspek ang marked money na nagkakahalagang P3,400.

Nasasakamay pa rin nila ang mga pekeng resulta ng COVID-19 Test at isang motorsiklo.

Napag-alaman na may 3 pang guwardiya sa gate ng Kapitolyo ang sangkot umano sa pamemeke ng Covid-19 Test Results na humihingi umano ng bayad na Php 1,700.00 pataas bawat Test Certificate. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa tatlo pang miyembro ng PSD na hindi nakasama sa nasabing entrapment habang tinanggal na sa trabaho ang dalawang nahuli sa entrapment.

Nanindigan si Gov. Ynares na hindi kinukunsinte ang ganitong uri ng kalokohan sa lalawigan.

“Hindi biro ang Covid-19. Sinasamantala pa ng ibang mga indibindwal. Dapat talaga silang kasuhan para wala nang gumaya,” pahayag ni Gov. Ynares.

Leave A Reply

Your email address will not be published.