Abante Tonite Interactive

Dolce Amore, nangunguna at most loved kiligserye

103

PATULOY pa ring nangunguna sa ratings ang most loved kiligserye sa primetime na Dolce Amore at mas sinuportahan ng mga manonood kaysa sa bagong katapat nitong palabas noong Lunes (July 25).

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakapagtala ang serye nina Enrique Gil at Liza Soberano ng national TV rating na 35% kumpara sa “Descendants of the Sun” na nakakuha ng 15.5% sa pilot telecast nito.

Sa episode noong Lunes, pinilit si Tenten (Enrique Gil) ng kanyang mga magulang upang humi­ngi ng tawad kay Serena (Liza Soberano) dahil sa masamang pagtrato nito sa dalaga.

Bilang pasasalamat sa walang sawang pagsuporta ng mga manonood, magaganap sa August 20 ang “#ChooseLove The Concert” sa Kia Theater kung saan maghahandog ng isang gabi ng kilig ang cast ng “Dolce Amore.”

Ang taong bayan mismo ang pumili ng mga awit sa nasabing concert.