Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE: 140K jobless, 680 kompanya sinara sa pandemya

0 271

Mahigit 140,000 manggagawa ang naapektuhan ng sibakan at pagsasara ng mga kompanya sa unang walong buwan ng 2020, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Martes.

Base sa Job Displacement Monitoring Report ng mga DOLE regional office, may kabuuang 140,958 manggagawa sa 6,843 establisimiyento ang apektado mua January 1 hanggang nitong Agosto 2.

Sa nasabilang bilang, 90% o 6,163 establisimiyento ang nagbawas ng mga manggagawa habang ang 10% o 680 kompanya ay permanente nang nagsara.

Nasa 128,474 manggagawa ang sinibak habang 12,484 empleyado naman ang apektado ng permanenteng pagsasara ng kanilang mga kompanya sa Metro Manila.

Sa Metro Mania pinakamaraming nawalan ng trabaho o 62,369, kasunod ang Region 4-A (Calabarzon) na may 31,935 manggagawa ang apektado mula sa 1,292 establisimiyento. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.