Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE: 400K trabahador naturukan na

0 43

Mahigit sa 400K mangggawa mula sa construction at manufacturing sector ang tumanggap ng unang dose sa unang araw ng special vaccination program ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, isinagawa ito sa ilalim ng kanilang “Reform, Rebound, Recover: One Million Jobs for 2021” project sa pakikipag-ugnayan sa ilang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor na naglalayong mabakunahan kontra COVID-19 ang mga sektor na tumutulong sa pagpapalago sa ekonomiya ng bansa.

Ito’y matapos aprubahan ng National Task Force Against COVID-19 ang kahilingan ng DOLE na mapabakunahan ang 452,000 manggagawa mula sa mga industriya na importante sa bansa.

Sa isang manifesto, nagkasundo rin ang DOLE at mga miyembro ng National Employment Recovery Strategy Task Force kasama ang Employers Confederation of the Philippines na bumuo ng isang milyong trabaho ngayong 2021. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.