Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE: 5K Bicolano bibigyan ng trabaho

0 218

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Assistance Secretary Dominique Rubia-Tutay, sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ay bibigyan ng trabaho ang mga residenteng sinalanta ng bagyong ‘Rolly’ sa Bicol.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kabilang dito ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate. “Nangako na po ang ating kalihim [Silvestre] Bebot Bello ng 5,000 beneficiaries para po doon sa Catanduanes para sa ating emergency employment program sa TUPAD, ganun din po meron din tayong another 5,000 beneficiaries sa Albay,” lahad ni Rubia-Tutay.

Dagdag pa ng DOLE official, nangako si Bello ng 50 bangka para sa mga nakatira sa siyudad ng Tabaco, Albay. Aniya, aabot sa 16 hanggang 17 na araw para mabuo ang P5,000 na financial assistance sa ilalim ng Bayanihan 2. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.