Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE, DFA kinastigo sa isyu ng OFW bakuna

0 319

Binakbakan ng isang grupo ng mga manggagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa kawalan umano ng agarang aksyon para ayusin ang problema ng mga overseas Filipino worker (OFW) hinggil sa isyu ng COVID-19 bakuna.

Kasunod na rin ito ng naantalang pag-alis ng mga OFW sa mga paliparan sa bansa matapos mag-utos ng pansamantalang deployment ban ang DOLE para sa mga papuntang Saudi Arabia.

SM food to go Banner Ad

Sa isang pahayag, sinabi ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) president at Rep. Raymond Mendoza na sablay sa kanilang trabaho ang DFA at DOLE na naging dahilan ng pagkaantala sa pag-alis ng mga OFW na nasa paliparan na. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.