Abante Tonite Interactive

DOLE, DFA pinakikilos, Digong ipagtanggol sa pangungutya ng mga Kuwaiti employer

By
4,512

Umusok na sa galit ang isang kongresista matapos manawagan ang Kuwaiti Federation of Home Office Employers na itigil na ang renewal ng employment at ipa-deport ang lahat ng Pinoy na nasa Kuwait bilang tugon diumano sa mga akusasyon at batikos ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte laban sa mga Kuwaiti.

Ayon kay ACTS OFW Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III, hindi dapat palagpasin ng gobyerno ng Pilipinas ang hirit na ito ng mga Kuwaiti employer.

Hindi aniya uubrang magsawalang-kibo na lamang ang mga Pinoy.

Kinakailangan aniyang maglabas ng matigas na pahayag at tugon ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) sa pangungutya ng Kuwaiti employers kay PDu30 at sa mga Pinoy.

“Sila pa matapang itong mga ulol na mga Kuwaitis, then DOLE, DFA must reply to this mockery,” pagbibigay-diin ni Bertiz.

Mainam aniyang lagutin na lang ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait kung ganito rin lang ang iaasta at iaasal ng mga Kuwaiti.

“Mas mabuti pa to cut diplomatic ties with Kuwait kung ganyan lang sagot nila sa atin,” giit pa ni Bertiz.

Matatandaan na nagpahayag ng galit si PDu30 bunsod ng pambubusabos na inaabot ng mga kababayan sa Kuwait.

Pitong Pinoy din ang napaulat na nasawi sa loob lamang ng isang buwan.

Sa napaskil na artikulo sa online blog na Kuwait Page, nananawagan ang Kuwaiti Federation of Home Office Employers sa Kuwait government na itigil na ng tuluyan ang employment ng mga Pinoy at palayasin na ang lahat ng OFWs.

“The decision was based on the body of the domestic worker who was found by the Kuwaiti authorities in one of the apartments that was inhabited by one of the Lebanese expatriates and his wife from the Syrian nationality… and that they have left the country since 2016 and committed the crime, why does the Philippine president punish Kuwait and the Kuwaitis for that?” ayon kay Fadel al-Sharaf Ashkani sa isang statement bilang tugon sa posisyon ni PDu30 na itigil na ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait.

Pinararatangan din ng grupo si PDu30 nang diumano’y pamba-blackmail sa gobyerno ng Kuwait.

“We ask the Philippine president to withdraw his workers from Kuwait, not only domestic workers but also men in the civil sector… and we tell him not to talk about Kuwait has cases before the ICC. We also explain to him that the cessation of domestic labor to Kuwait from other countries is not due to ill-treatment, but because of the lack of agreements on domestic labor.”

“Do not worry about domestic labor. Those who brought domestic labor after the brutal invasion of Kuwait can, God willing, re-recruit large numbers to cover the needs of the Kuwaiti market. We explain to everyone that the problem was caused by some owners of home offices who traveled to the Philippines three months ago, portrayed the situation incorrectly,

and offered money and donations to the Ministry of Labor there and work for them, what they are doing is the result of greed. The reason for this problem is the irresponsible remarks of some office owners who often imagine that there are 400 domestic workers affected by the Philippine embassy. This is shameful, but they want to get the right to operate to market the recovered labor,” ayon pa sa pahayag ng grupo ng Kuwaiti employers.