Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE exec: Jobless Pinoy huwag puro asa sa gobyerno

0 8

Pinayuhan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay ang mga Pilipino na walang trabaho.

Kasunod ito ng pagtaas ng unemployment rate ng bansa sa 8.7% nitong Abril mula sa 7.1% noong Marso.

Giit niya, kailangan din ng mga jobless Pinoy na tulungan ang kanilang sarili at huwag lamang umasa sa tulong ng gobyerno.

“Ang nakakalungkot po, may mga nakikita po ako at nakakasalamuha na mga nawalan ng trabaho because of the pandemic either local or overseas. And parang umaasa na lang sila doon sa tipong kailangan nila ng government intervention para i-refer sila pero wala naman silang ginagawa sa sarili nila para ma-improve `yong skills nila,” pahayag ni Tutay sa online press briefing nitong Miyerkoles.

“Nandoon `yong government to provide you assistance pero tulungan mo rin `yong sarili mo,” dagdag niya.

Inihalimbawa niya ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagtrabahong barista sa ibang bansa bago nagka-pandemya. Dapat aniyang gumawa ng paraan ang OFW at mapagtanto na maaaring walang masyadong nangangailangan ng kanyang kasanayan sa Pilipinas.

“Kung sa tingin po natin ay hindi tama or hindi sapat, or hindi akma `yong skills na mayroon tayo, then magkusa po tayo na i-train `yong ating mga sarili,” ayon pa kay Tutay. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.