Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE humirit ng ayuda sa mga NCR worker

0 132

Humihingi si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ng karagdagang pondo upang matulungan ang mga formal at informal worker sa National Capital Region (NCR) na tatamaan ng lockdown mula Agosto 6 hanggang 20.

Sa panig ng DOLE, sinabi ni Bello na mayroon pa silang naiwang pindo mula sa Department of Budget and Management (DBM) para sa mga manggagawa.

Subalit mas mabuti sana aniyang dagdagan ang pondo dahil mas mainam na handa silang matugunan kung talagang matindi ang epekto ng panibagong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.(Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.