Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE humirit ng P2.5B dagdag ayuda sa mga OFW

0 248

Humihiling ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng karagdagang P2.5 bilyong pondo para sa ayudang ipinagkakaloob sa mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, kailangang magbigay ng serbisyo sa pangangailangan ng tumataas na bilang ng mga pinauuwing mga OFW na humihingi sa kanila ng tulong.

Nauna rito, inihayag ni Bello na ang mga tanggapan sa ibang bansa ng

DOLE at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nakapagtala ng kabuuang 551,606 na aplikasyon para sa ayuda mula sa mga land-based at sea-based worker na nasa ibang bansa pa rin o nakabalik sa Pilipinas.

“The fund released to us is fast depleting. So far, our offices approved the requests of 224,756 OFWs, 128,348 of whom are still locked down or stranded in their countries of work,” sabi ng kalihim.(Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.