Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE: Jobless sumirit dahil sa ECQ, MECQ

0 107

Inasahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtaas ng unemployment rate dahil sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhance community quarantine (MECQ).

Ani DOLE Secretary Silvestre Bello III, dahil sa pagpapatupad ng ECQ at MECQ noong Marso hanggang Abril ay naapektuhan ang mga negosyo at galaw ng mga manggagawa.

“The Labor department had anticipated that the improvement in employment reported in March 2021 will not be sustained due to the imposition of the enhanced community quarantine within the NCR Plus Bubble in March to April, and modified enhance community quarantine from 1 to 15 May,” pahayag ni Bello nitong Martes, June 8.

Lumabas sa resulta ng Labor Force Survey na tumalon sa 8.7% ang unemployment rate sa bansa o 4.138 milyong Pilipino na walang trabaho nitong Abril mula sa 7.1% noong Marso o 3.441 milyong jobless. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.