Abante Tonite Interactive

DOLE mamimigay ng 125k trabaho sa Independence Day

By
1,427

May 125,000 trabaho ang iaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko bilang bahagi ng pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo 12 at 15.

Ang sabayang job fair ay may temang Independence Day Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) ay idaraos sa 21 sites sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tiniyak ni Labor Undersecretary Jacinto Paras sa mga job seeker na wala sa 621 employer na lumahok ang nasa lista­han nila ng mga “endo” violator o nagaalok ng labor-only contracting.

Kabilang sa mga bakanteng trabaho ang production machine operator, officer at enlisted personnel (AFP, PNP, Navy, BJMP), construction worker/laborer, customer service representative, mason at carpenter (rough/finishing), company driver, service crew, production o factory worker, retail at sales agent.

May iaalok din na trabaho sa ibang bansa.