Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE, mga labor group paplantsahin 13th month pay

0 226

Pupulungin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga labor group upang talakayin ang sitwasyon ng mga kompanyang apektado ng COVID-19 pandemic kaugnay sa pagbibigay ng 13th month pay sa Disyembre.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, dahil labor standard ang pagbibigay ng 13th month pay, kailangang ibigay ito ng employer sa mga empleyado.

Gayunman, may exemption aniya kung ang kompanya ay maituturing na walang kita.

Sinabi ni Bello, pag-uusapan pa nila ng mga labor group at management group kung ano ang mga tinutukoy na “distressed companies”.

Pagkatapos ng gagawing pagpupulong bukas, Martes, ay maglalabas ang DOLE ng advisory kung ano ang ibig sabihin ng “in-distressed” na kompanya.

Kung ang isang kompanya ay hindi na kayang magbigay ng 13th month pay ay maaari silang mag-apply ng exemption. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.