Abante Tonite Interactive

DOLE: Mga OFW na nawalan ng trabaho may P10K

1,154

Ipinahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay din ang gobyerno ng “one-time financial assistance” na P10,000 para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ang trabaho dahil sa krisis na hatid ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan ni DOLE Scretary Silvestre Bello III, sinabi ng kalihim na may nakahanda nang guidelines ang kagawaran para sa DOLE-AKAP assistance program sa mga OFW upang matiyak ang epektibo at maayos na implementasyon nito.

Ayon kay Bello, kukunin sa pondong inilaan para sa DOLE COVID-19 Adjustment Measures Program (DOLE-CAMP) na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon ang perang ilalaan naman para sa DOLE-AKAP.

Paliwanag ng DOLE na sakop ng nasabing programa ang mga regular/documented OFW batay sa nakasaaad sa 2016 Revised Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Rules and Regulations.

“Regular or documented OFWs are those who possess a valid passport and appropriate visa or permit to stay and work in the receiving country; and whose contract of employment has been processed by the POEA or the POLO,” paliwanag ni Bello.

Sakop din aniya ng programang ayuda ang mga qualified undocumented OFW o mga dating regular o documented worker na nawala ang regular o documented status.

“Also included in the program are those who are not registered with the POEA or whose contracts were not processed by POEA or the POLO, but have undertaken actions to regularize their contracts or status; or who are not registered with the POEA or whose contracts were not processed by POEA or the POLO, but are active OWWA members at the time of availment,” sabi pa ng kalihim.

Maaari dn aniyang makatanggap ng P10,000 cash assistance ang mga balik-manggagawa na hindi nakabalik sa bansa kung saan sila nagtatrabaho dahil ito’y ni-lockdown sanhi ng COVID-19.

Gayundin ang mga OFW na nakaranas ng job displacement dahil ni-lockdown ang bansang kanilang paroroonan o na-infect ng COVID-19.

“They must be still at overseas job sites, or in the Philippines as Balik-Manggagawa, or already repatriated to the Philippines; and must not receive any financial support/ assistance from the receiving countries/employers,” paliwanag pa ng kalihim.

Pagkakalooban din aniya ng financial assistance ang mga qualified OFW na galing sa mga bansang may presensiya ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) o matinding apektado ng COVID-19.

Kabilang sa mga `priority country’ ang Bahrain, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Libya, Oman, Qatar, Kingdom of Saudi Arabia, at United Arab Emirates.

Sa Asia at Pacific naman ay prayoridad ang mga OFW sa mga bansang tinamaan ng COVID-19 kabilang dito ang Australia, Brunei, Hong Kong, Japan, Korea, Macau, Singapore, Taiwan, Malaysia, at New Zealand.

Samantala, sa Europe at Americas ay prayoridad ang mga OFW na nasa

Canada, Cyprus, Italy, Germany, Greece, Spain, Switzerland, United Kingdom of Great Britain, United States of America.

Pinayuhan ng DOLE ang mga OFW na nais mag-apply para sa cash assistance ng kagawaran na magtungo lamang sa POLO sa bansang kinaroroonan nila. Ang mga OFW naman na kasalukuyang nasa bansa at mga balik manggagawa ay maaaring mag-apply sa mga OWWA Regional Welfare Office.

Tonite – Wendys Inhouse Ad