Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE pinag-iingat mga Pinoy nurse sa UK, Germany

0 77

Pinabagal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang proseso ng pagpapadala ng mga Pinoy nurse sa Europe partikular sa United Kingdom at Germany dahil sa banta ng bagong COVID-19 strain.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, sa halip na suspindehin ay nagpasya silang bagalan na lamang ang pagpapadala ng mga medical worker sa ibang bansa lalo na sa UK at Germany.

SM food to go Banner Ad

Sakali naman aniyang payagan nila ang pagpapadala ng mga medical worker sa ibang bansa ay kinakailangan nitong lumagda sa isang kasulatan na nagsasaad na alam ang panganib na posibleng kaharapin niya.

Ito’y upang hindi naman aniya masisi ang gobyerno kung kaya’t kailangan lumagda sa kasulatan. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.