Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE pinalagan COA report sa TUPAD

0 74

Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo kaugnay sa hindi pagbabayad ng ayuda sa mga manggagawa sa Pampanga na apektado ng pandemya.

Inihayag ito ni Director Ma. Karina Perida-Travilla ng Bureau of Workers with Special Concerns ng DOLE, matapos iulat ng Commission on Audit (COA) na ilang benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang hindi nabigyan ng sahod o nabigyan man ay mababa sa inaasahang halaga.

“Wala pa naman po tayong natatanggap na reklamo patungkol sa hindi pagkatanggap ng kanilang suweldo o pagkaltas ng sahod mula sa TUPAD program,” pahayag ni Travilla.

Isang inisyatibo ng DOLE ang TUPAD para magbigay ng emergency employment sa mga displaced, underemployed at seasonal na manggagawa sa pinakamababang panahon na 10 araw ngunit hindi lalampas sa maximum na 30 araw. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.