Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE pinatigil EEI sa Skyway project

0 180

Pansamantalang pinatigil ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paggawa sa Skyway extension project sa Muntinlupa City matapos ang pagbagsak ng steel girder nitong Sabado.

Ayon kay DOLE spokesperson Rolly Francia, naglabas ng work stoppage order ang kanilang National Capital Region (NCR) regional director sa contractor at subcontractor ng naturang proyekto.

Ito’y habang gumugulong pa ang imbestigasyon sa naturang disgrasya na kumitil sa buhay ng isang motorista habang apat naman ang nasugatan.

“To address the problem, the Regional Director of the National Capital Region Atty. Sarah Mirasol issued an order suspending the work in the construction site of the Skyway project. She directed the contractor, EEI Corporation, and its subcontractors to stop the project,” ani Francia sa press briefing nitong Lunes.

Aniya, ang paghinto ng trabaho sa Skyway ay para sa buong proyekto at hindi lamang sa East Service Road sa Muntinlupa kung saan nangyari ang aksidente.

“Ang pagpapahinto po ng construction ay para magbigay daan sa investigation at upang malaman kung may violation na na-commit sa construction site. To determine din if may paglabag ba sa occupational safety and health standards,” lahad pa ni Francia.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.