Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE pinayagan 1 taon floating status ng empleyado

0 155

Pinalawig pa ng Department of Labor and Employment ng hanggang isang taon ang ipinatutupad na “employment floating status” ng mga employer sa kanilang kumpanya dahil nasa ilalim pa ng COVID19 pandemic ang bansa.

Sa ipinalabas na Department Order No. 215-2020 na may petsang Oktubre 23, pinapayagan ang pagpapalawig sa suspension of employment sa panahon ng deklarasyon ng giyera, pandemya o kahalintulad na national emergencies.

Ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez, ang mga employer at staff ay dapat na magkaroon ng agreement bago ang mga worker ay mailagay sa extended floating status.

“Gusto namin bigyan ng espasyo doon sa mga empleyado at saka sa kanilang mga employer o kumpanya na sila ay mag-usap na kung maaaring mag-extend pa ‘yung kanilang floating status nang sa ganoon ay mag-resume o maka-resume ng negosyo ‘yung kanilang mga employer,”ayon kay Benavidez sa isang media forum.

Nalaman na may 2.1 milyon workers ang sa ngayon ay nasa floating status at pansamantalang tinanggal sa panahon ng lockdown.

Ang mga manggagawang ito ay kinukunsiderang empleyado pero ang mga kampanya ay walang mandato na bayaran ang kanilang suweldo.

Gayunman, kapag tapos na ang pinayagang panahon, ang mga empleyado ay maaring permanente nang tanggalin o pabalikin sa kanilang trabaho. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.