Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE pinorma na ayuda sa sahod ng mga manggagawa

0 241

Isinumite na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukala nito sa Department of Budget and Management (DBM) na pagkalooban ng wage subsidy ang mga manggagawa at mga establisimiyento na apektado ng COVID-19 pandemya.

Nakasaad din sa wage subsidy proposal na inihain ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay ang tatlong puwedeng pagkuhanan ng pondo para sa ayuda.

Kabilang aniya dito ang pag-reprogram o realignment ng pondo noong 2020 na hindi nailabas, hugutin ang ayuda mula sa savings ng Bayanihan 2 o kaya naman ay DBM na ang tumukoy kung saan manggagaling ang pondong ibibigay para sa wage subsidy.

Una nang sinabi ng DOLE na nasa 1.6 milyong manggagawa at 30,000 maliliit na negosyo ang hangad nilang matulungan ng wage subsidy program. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.