Abante Tonite Interactive

DOLE sa mga employer: Ibigay ang 13th month o ipasasara ang kompanya?

By
0 88

Binantaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng mga employers na mabibigong magbibigay ng 13th month pay bago sumapit ang Disyembre 24 sa kanilang mga empleyado na papatawan ito ng kaukulang multa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, may hanggang Disyembre 24 lamang ang mga employer para ipagkaloob ang 13th month pay ng kanilang mga trabahador upang makaiwas sa parusang multa.

Bukod sa multa, nanga­nganib rin na maipasara ang kompanya ng mga employer na matitigas talaga ang ulo at hindi magbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga manggagawa at hindi rin magbabayad ng penalty sa pamahalaan.

Abante Hiring – IT dep

“‘Pag matigas ang ulo kung minsan pinapasara natin. Inutusan natin na bayaran ‘yung penalty eh matigas ang ulo, wala nang ibang paraan kundi ipasara ‘yung negosyo,” ayon kay Bello.

Nilinaw pa ni Bello na walang negosyo ang exempted sa pagkakaloob ng 13th month pay at maging mga kasambahay ay dapat ring makatanggap ng naturang benepisyo.

Ayon kay Bello, kung wala pang pambayad ang mga employer ay pagkakalooban naman ito ng leniency ng pamahalaan, kung magpapakita ang mga ito ng kahandaan na ibi­gay ito, sa mga susunod na araw o matapos ang itinakdang deadline.