Abante Tonite Interactive

DOLE sa mga OFW sa HK: ‘Wag lumabas, magsuot ng puti o itim

0 225

Nanawagan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na huwag munang maglalalabas dahil sa dumadalas na sagupaan ng mga nagproprotesta at ng mga pulis.

“We are again urging all our OFWs in Hong Kong to exercise caution by staying indoors and keeping away from locations where protest activities are taking place,” sabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Nagsimula ang mga protesta nang magbanta ang pamahalaan na dadalhin sa China at iba pang bansa ang mga nahuhuli sa Hong Kong, at tumindi pa ang mga protesta nang pati pagsuot ng mga face mask ay pinagbabawal na rin.

HInihikayat din ni Bello ang mga OFW na huwag magsuot ng puti o itim na damit para hindi sila mapagkamalang kasama sa mga kilos-protesta at maiwasan ang gulo.

Mahigit 100 taon nang pinatakbo ng Inglatera ang Hong Kong, at binalik ito sa China noong 1997 lamang.

Bago binalik ang Hong Kong at Macau sa China, nangako ang China ng “one country, two systems” kung saan muli silang magiging bahagi ng China, ngunit sila pa rin umano ang magpapatakbo sa kanilang ekonomiya at mga pamahalaan.

Sa impormasyong nakuha ng DOLE sa Philippine Consulate sa Hong Kong, may siyam na kilos-protesta ang nakatakdang ikasa hanggang Oktubre 31, 2019. (Eileen Mencias)