Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOLE sinuspinde pagpunta ng mga OFW sa Oman

0 83

Sinuspinde pansamantala ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Oman matapos isama ng Oman ang Pilipinas sa kanilang travel ban, ayon sa pahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ni Bello na ipinabatid sa kanila ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Lunes na isinama ng gobyerno ng Oman ang mga biyahero mula sa Pilipinas sa travel ban ng naturang bansa.

Aniya, inirekomenda naman ng DFA na magdeklara ng pansamantalang suspensyon ng pagpapadala ng mga OFW pati na rin sa Oman.

Gayunpaman, hindi binanggit ni Bello ang tiyak na dahilan kung bakit sinuspinde rin ng Pilipinas ang pagpapadala sa Oman at kung kailan magiging epektibo ang suspensyon. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.