Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Domestic tourism unahing tangkilikin

0 215

Umapela si Senador Nancy Binay sa mga Pilipino na unahing tangkilikin ang lokal na turismo kaysa sa ibang bansa sakaling alisin na ng gobyerno ang travel restriction.

“Let’s go local first. Siguro `yon ang kailangan nating gawing kampanya —unahin muna natin ang sariling atin,” panawagan ni Binay sa isang virtual conference.

Sa ngayon aniya, suportado niya ang hakbang ng Department of Tourism na buhayin ang lokal na turismo.

“Huwag muna tayo tumanggap ng foreign tourists because at the moment, mukhang hindi na dapat tumanggap ng ganung klaseng turista. Dito muna tayo kasi ang laki naman ng market for domestic tourism,” sabi ni Binay, chairperson ng Senate committee on tourism. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.