Abante Tonite Interactive

DOMINASYON!

By
14
gilas-pilipinas
Sinisiw lang ni Kobe Paras (6) ng Pilipinas ang depensa ng Indonesians sa isang eksena sa men’s basketball final ng 29th SEA Games. Kampeon ang Gilas matapos ang dominanteng 94-55 victory. (PSC-POC Media Group)

KUALA LUMPUR — Wala pa ring makatibag sa Pilipinas pagdating sa basketball sa Southeast Asian Games.

Sa 29th edition ng biennial meet sa Kuala Lumpur, pinahaba pa ng Filipinos ang paghahari sa regional meet nang kumpletuhin ang pandiin na dambuhalang 94-55 victory kontra Indonesia sa men’s final sa MABA Stadium kagabi.

Gilas cadets ang karamihan sa pinadala sa Malaysia, pero hindi nagpakabog ang Filipinos para ikahon ang pang-17 gold medal sa SEAG.

Sa opening quarter ay sumasabay pa ang Indonesians, bago kumalas ang hukbo ni coach Jong Uichico sa second quarter. Sa period ay kumonekta ng dalawang 3-pointers si Mike Tolomia para sindihan ang pagkalas ng Nationals tungo sa 45-27 lead sa break.

Hindi na nakarekober mula roon ang Indonesians.

Ang gold ng Gilas ay 18th overall ng Team Philippines.

Sinagasaan lahat ng Nationals ang nakatapat sa Kuala Lumpur, una ang Thailand, Myanmar at Malaysia. Nakatikim sila ng matinding oposisyon sa Singapore sa semis, pero nakalusot din ang Gilas 68-60.