Abante Tonite Interactive

Dominasyon sa taekwondo itutuloy ng UST

94

Misyon ng University of Santo Tomas na pana­tilihin ang dominasyon sa UAAP Season LXXIX taekwondo tournament na sisipa ngayong araw sa Ateneo Blue Eagle gym.

Sasandalan ng Grow­ling Tigers sa four-day tournament sina vete­ran internationalists Jocelyn Ninobla at Rodolfo Reyes, Jr. na target ang pangatlong titulo sa na­kalipas na apat na taon.

Pangungunahan ni reigning men’s MVP Joaquin Mendoza ang UST na puntirya rin ang 14th title.

Muling mapapalaban ang Tigers sa last year’s runner-up University of the East, National University at La Salle na naghahangad din sa na­sabing titulo.

Samantala, target naman ng Lady Warriors ang back-to-back titles, pero kailangang salagin ang Tigresses at Lady Archers.

Gigil ang UST na ma­ibalik sa kanila ang korona na napanalunan noong 2013.

Nagpalakas din ang Ateneo, sinama sa ka­nilang lineup si Asian Taekwondo Champion­ship gold medalist Pauline Lopez.