Abante Tonite Interactive

Domingo, Mendigoria bibisita sa PSA Forum

240

Special guests sa Phili­ppine Sportswriters Association (PSA) Forum si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairperson at Chief Executive Officer Andrea Domingo Martes sa Amelie Hotel-Manila sa Jorgo Bocobo, Malate.

Dadalaw si Domingo sa weekly sports forum sa unang pagkakataon para talakayin ang pagtulong at pagsuporta ng ahensya sa Philippine sports.

Isa rin ang PAGCOR sa malapit na kaibigan ng country’s longest public sports program, katuwang din ang San Miguel Corporation, Braska Restaurant at Amelie Hotel.

Abante Hiring – IT dep

Bisita rin si Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria para pag-usapan ang National Open Skateboarding and Rollerblade Championships sa Sta. Rosa, Laguna.

Tatalakayin rin niya ang ongoing qualifying campaign ni Margielyn Didal para sa 2020 Tok­yo Olympics at ang paghahanda ng skateboard na mabinyagan na sa 30th Southeast Asian Games sa bansa sa Nobyembre. (Janiel Abby Toralba)