Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominguez nangutang pa ng P122B

0 222

Nadagdagan pa ang utang ng pamahalaan ng 2.1 bilyong euro o P122 bilyon ngayong linggo na gagamiting pangtustos sa mga gastusin.

Ayon sa tanggapan ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, ang utang ay ginawa sa pamamagitan ng pag-isyu ng global bonds na binibili ng mga foreign investor.

Mas malaki ang interes sa mga global bond kaysa sa utang sa Asian Development Bank, World Bank at iba pang katulad nitong institusyon.

SM food to go Banner Ad

Inaasahan ng DOF na makuha ang pera mula sa pinakabago nitong pangungutang sa Abril 28, 2021.

Sabi ni National Treasurer Rosalia de Leon, ito ang pang-apat na commercial borrowing ng administrasyon simula ng magkaroon ng pandemya.

Noong katapusan ng Disyembre 2020, nasa $64.6 bilyon na ang direct foreign debt ng pamahalaan ng Pilipinas at 6.5% nito ay denominated sa euro. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.